Mahigit 29 milyon ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Amerika — Johns Hopkins University

2021-03-09 10:18:50  CMG
Share with:

Ayon sa pinakahuling estadistika na ipinalabas nitong Lunes, Marso 8, 2021 ng Johns Hopkins University, lumampas na sa 29 milyon ang bilang ng kumpirmadong kaso ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) sa Amerika.

 

Bukod dito, pumalo sa 525,046 ang kabuuang bilang ng mga pumanaw sa pandemiya ng COVID-19. Ang Amerika sa ngayon ang bansang may pinakamalaking bilang ng kumpirmadong kaso at nasawi sa buong daigdig.


Salin: Lito
Pulido: Mac

Please select the login method