Ipinatawag Marso 9, 2021 ng namamahalang tauhan ng Departamento ng Europa ng Ministring Panlabas ng Tsina, si Caroline Elizabeth Wilson, Embahador ng Britanya sa Tsina, upang ipahayag ang solemnang representasyon kaugnay ng artikulong ipinalabas ni Wilson sa kanyang social media.
Tinukoy ng namamahalang tauhan na bilang pinakamataas na kinatawan ng UK sa Tsina, ipinalabas ni Wilson, sa pamamagitan ng opisyal na plataporma, ang artikulong puno ng kayabangan at bias na ideolohiya.
Hindi aniya angkop ang ganitong aksyon para sa posisyon ni Wilson bilang tauhang diplomatiko.
Tinukoy ng namamahalaang tauhan na ang artikulo ay umakit ng mahigpit na pagkondena mula sa mga mamamayang Tsino.
Binigyan-diin niyang hindi dayuhang media ang tinututulan ng pamahalaan at mga mamamayan ng Tsina, kundi ang paggawa ng pekeng balita, at di-makatuwirang pag-atake sa Tsina, Partido Komunista ng Tsina (CPC) at sistema ng Tsina.
Hiniling ng namamahalang tauhan kay Wilson na dapat niyang isa-alang-alang ang kanyang responsibilidad, ituring ang mga isyu sa tumpak na anggulo, at isagawa ang aksyon na makakabuti sa pagpapasulong ng bilateral na relasyon.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio