Mga pekeng balita ng British media hinggil sa Tsina, malaking nanlinlang sa mga mamamayan

2021-02-20 14:35:22  CMG
Share with:

Ayon sa isang poll ng Britanya kamakailan, itinuturing ng 40% sa mga respondents ang Tsina bilang “malubhang banta.” Kaugnay nito, tinukoy ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina na nitong nakalipas na mahabang panahon, nananangan ang British media sa pagkiling na ideolohikal sa Tsina, at niluto’t ikinalat ang maraming kasinungalingan at pekeng impormasyon, bagay na malaking nanlilang sa maraming mamamayan.
 

Dagdag ni Hua, umaasang gagawa ang British media ng totoo at obdyektibong pagbabalita ukol sa Tsina, at napakahalaga nito para sa tumpak na pag-uunawaan ng mga mamamayan ng dalawang bansa, at pagpapaunlad ng kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan ng kapuwa panig.
 

Salin: Vera

Please select the login method