Dumating, Sabado ng umaga, Marso 13, 2021 ng Mexico City International Airport ang ikatlong pangkat ng bakuna ng Sinovac kontra sa Corona Virus Disease 2019 (COVID-19).
Ang mga ito ay sinalubong ng mga opisyal na kinabibilangan ni Pangalawang Ministrong Panlabas Marta Delgado Peralta ng Mexico.
Sa kanyang talumpati sa paliparan, ipinahayag ni Delgado na ang pagdating ng nasabing mga bakuna ay mahalagang bunga ng mahigpit na kooperasyon ng Mexico at Tsina.
Aniya, walang humpay na pinapalakas ang pagkakaibigan at kooperasyon ng dalawang bansa sa larangan ng bakuna, at hindi makakalimutan ng Mexico ang isinasagawang aksyon ng panig Tsino sa pakikibaka laban sa pandemiya.
Salin: Lito
Pulido: Rhio