Dumating Marso 16, 2021, ng Montevideo, kabisera ng Uruguay, ang ikalawang pangkat ng Sinovac ng Tsina. Kasama ng bakuna ay iba pang mga gamit kontra pandemiya gaya ng masks, protective glasses at iba pang materyal na medikal na ibinigay ng Tsina sa Uruguay.
Nauna rito, dumating Pebrero 25, 2021 sa Uruguay ang unang pangkat na bakuna kontra COVID-19 na gawa ng Sinovac.
Sinimulan noong unang araw ng Marso ng Uruguay ang pagbabakuna sa buong bansa. Hanggang ngayon, maalwan ang progreso ng gawaing ito.
Ayon sa opisyal na datos nitong Marso 16 ng Uruguay, 916 ang naitalang bagong kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Uruguay. Samantala umabot sa 725 ang bilang ng mga pumanaw.
Salin:Sarah
Pulido:Mac