Dumating na nitong Martes, Marso 16, 2021 sa Robert Mugabe International Airport, Zimbabwe ang ika-2 pangkat ng bakuna kontra Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) na donasyon ng Tsina, at bahagi ng mga bakunang binili ng pamahalaan ng Zimbabwe mula sa Tsina.
Dumalo sa seremonya ng pagbibigay ng bakuna sa paliparan si Pangulong Emmerson Mnangagwa, kasama ng mga mataas na opisyal ng bansa na kinabibilangan ng pangalawang pangulo at ministro ng depensa.
Muling pinasalamatan ni Mnangagwa ang muling pagbibigay ng panig Tsino ng bakuna sa kanyang bansa. Aniya, ang Zimbabwe ay unang bansa sa Aprika na nakatanggap ng ika-2 pangkat ng donasyon ng Tsina, bagay na nagpapakita ng matibay na pagkakaibigan ng dalawang bansa.
Ang nasabing pangkat ng bakuna ay malaking makakapagpataas ng lebel ng Zimbabwe sa paglaban sa pandemiya, dagdag niya.
Ayon naman kay Guo Shaochun, Embahador ng Tsina sa Zimbabwe, palagiang aktibong pinapasulong ng Tsina ang patas na distribusyon ng bakuna sa buong mundo.
Isinalaysay niyang sa kasalukuyan, ibinigay at ibinibigay ng kanyang bansa ang mga bakuna sa 69 na umuunlad na bansa, at iniluluwas ang mga bakuna sa 43 na bansa.
Salin: Vera
Pulido: Mac