Patakarang Tsino sa Aprika, matapat: tulong kontra COVID-19, ipinadala sa Comoros

2021-03-18 16:00:09  CMG
Share with:

Ipinahayag Marso 17, 2021, ni Zhao Lijian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na lumisan sa araw na ito ang grupong medikal ng Tsina na kontra Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) mula sa lunsod Nanning ng Rehiyong Awtonomo ng Guangxi ng Tsina papunta sa Comoros ng Aprika.

Patakarang Tsino sa Aprika, matapat: tulong kontra COVID-19, ipinadala sa Comoros_fororder_comoros

Kasama aniya ng grupong medical ang mga materyal na kontra COVID-19 na ipingkaloob ng Tsina.

 

Ani Zhao, ito ay aktuwal na aksyon ng Tsina tungo sa pagsasakatuparan ng patakarang gawing pandaigdigang produktong pangkalusugan ang bakuna.

 

Lubos nitong ipinakikita ang matapat na patakaran ng Tsina sa Aprika, diin ni Zhao.

 

Nakahanda aniya ang Tsina na magsikap, kasama ng mga bansang Aprikano, para mapagtagumpayan ang paglaban sa COVID-19.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio

Please select the login method