Ipinahayag nitong Sabado, Marso 20, 2021 ni Grand Ayatollah Seyyed Ali Khamenei, pinakataas na lider ng Iran, na ang polisiya ng Amerika na nagpapataw ng “sukdulang presyur” sa Iran ay bigo.
Ipinahayag ni Khamenei na nais payukurin ng ostilong puwersang pinamumunuan ng Amerika ang Iran sa pamamagitan ng pagpapataw ng presyur, ngunit ipinakikita ng mga mamamayang Iranyo ang buong lakas na puwersa para harapin ang mga ito.
Noong Hulyo ng 2015, idinaos ng Iran, Ameirka, Britanya, Pransya, Rusya, at Tsina ang komprehensibong kasunduan ng isyung nuklear. Ayon dito, ipinangako ng Iran na bibigyang-limitasyon ang planong nuklear nito, at inalis naman ng komunidad ng daigdig ang sangsyon laban sa bansa.
Noong Mayo 2018, unilateral na tumalikod ang pamahalaang Amerikano sa kasunduang ito, tapos pinanumbalik at dinagdagan nito ang isang serye ng sangsyon laban sa Iran. Bilang tugon, sapul noong Mayo 2019, unti-unting sinuspendi ng Iran ang pagtupad sa ilang probinsyon ng nasabing kasunduan.
Salin: Lito
Pulido: Rhio