Sa ika-46 na Sesyon ng United Nations Human Rights Council (UNHRC), inilahad nitong Lunes, Marso 15, 2021 ni Chen Xu, Pirmihang Kinatawan ng Tsina sa Tanggapan ng UN sa Geneva, ang tunay na kalagayan ng Xinjiang at Hong Kong. Hinimok niya ang Amerika, Britanya, Australia at iba pa na itigil ang pakikialam sa mga suliraning panloob ng ibang bansa, sa katwiran ng isyu ng karapatang pantao.
Saad ni Chen, nagmamalabis ang Amerika, Britanya, Australia, Kanada at ilang bansa ng Unyong Europeo (EU) gamit ang plataporma ng UNHRC, upang ikalat ang pekeng impormasyon at walang batayang batikusin ang Tsina, at buong tatag na tinututulan ito ng panig Tsino.
Winewelkam aniya ng panig Tsino ang pagbisita sa Tsina at Xinjiang ng High Commissioner for Human Rights ng UN, at napapanatili ng kapuwa panig ang pag-uugnayan tungkol dito.
Saad niya, ang pagbisita ng high commissioner sa Tsina ay isang mapagkaibigang pagdalaw, sa halip ng umano’y imbestigasyon sa ilalim ng akala ng paratang.
Determinadong tinututulan ng Tsina ang pagsasagawa ng sinuman ng manipulasyong pulitikal, at pagpapataw ng presyur sa Tsina, gamit ang isyung ito, dagdag niya.
Salin: Vera
Pulido: Mac