Video speech, ipinahayag ng pangulong Tsino para sa mga mamamayan ng Colombia

2021-03-22 10:30:22  CMG
Share with:

Video speech, ipinahayag ng pangulong Tsino para sa mga mamamayan ng Colombia_fororder_20210322XiColombia550

Dumating noong Marso 20, 2021, sa Bogota, kabisera ng Colombia, ang ika-3 batch ng bakuna kontra sa Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) na ipinagkaloob ng Tsina..

 

Sa paanyaya ni Pangulong Ivan Duque ng Colombia, isang video speech ang ipinahayag ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina para sa mga mamamayan ng naturang bansa.

 

Tinukoy ni Xi na nitong 41 taong nakalipas, sapul nang maitatag ang relasyong diplomatiko ng Tsina at Colombia, natamo ng relasyon ng dalawang bansa ang makasaysayang pag-unlad.

 

Diin niya, sa harap ng pandemiya ng COVID-19, nagkakapit-bisig at nagtutulungan ang dalawang bansa para magkasamang harapin at humulagpos krisis.

 

Umaasa aniya siyang magkasamang magsisikap ang dalawang pamahalaan at mga mamamayan ng dalawang bansa, at patuloy na palalakasin ang mapagkaibigang kooperasyon sa iba’t-ibang larangang gaya ng pakikibaka laban sa pandemiya para mapasulong pa ang relasyong pangkaibigan at makapaghatid ng mas malaking benepisyo sa mga mamamayan ng kapuwa panig.


Salin: Lito
Pulido: Rhio

Please select the login method