Mensahe ipinadala nina Xi Jinping at Kim Jong-un sa isa’t isa; ipinahayag ang kahandaang isulong ang kapayapaan, katatagan at kaunlaran

2021-03-23 11:16:16  CMG
Share with:

Beijing — Sa paanyaya, kinatagpo nitong Lunes, Marso 22, 2021 ni Song Tao, Ministro ng Departamentong Pandaigdig ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina, si Ri Ryong Nam, Embahador ng Hilagang Korea sa Tsina.

 

Ipinaabot ni Ri Ryong Nam ang mensahe ng pinakamataas na lider ng bansang si Kim Jong-un kay Panuglong Xi Jinping ng Tsina.

 

Sa mensahe, ipinahayag ni Kim Jong-un ang lubos na papuri sa pagtatagumpay ng mga mamamayang Tsino laban sa pandaigdigang krisis ng pampublikong kalusugan sa ilalim ng pamumuno ni Xi.

 

Ipinahayag din ni Kim na ang ibayo pang pagpapaunlad at pagpapalakas ng relasyong Hilagang Koreano-Sino ay buong tatag at di-nagbabagong posisyon niya mismo, ng partido, at mga mamamayang Hilagang Koreano.

 

Ipinaabot naman ni Song ang mensahe ni Xi kay Kim Jong-un.

 

Sa mensahe, ipinahayag ni Xi ang kahandaang sa bagong kalagayan, magsikap kasama ng Hilagang Korea upang mapatibay at mapaunlad pa ang relasyong Sino-Hilagang Koreano, at makapaghatid ng mas maraming benepisyo sa kanilang mga mamamayan.

 

Diin pa ni Xi, sa kasalukuyang epekto ng pagbabago ng situwasyon at pandemya, malalim na nagbabago ang situwasyong panrehiyon at pandaigdig.

 

Nakahanda aniya ang panig Tsino na magsikap kasama ng panig Hilagang Koreano para mapangalagaan ang kapayapaan at katatagan ng Korean Peninsula at makapagbigay ng bagong positibong ambag sa kapayapaan, katatagan, kaunlaran, at kasaganaang panrehiyon.


Salin: Lito
Pulido: Mac

Please select the login method