Pangulong Tsino, ipinaabot ang mensaheng pambati sa bagong Pangulo ng Laos: relasyon ng Tsina at Laos, nasa bagong yugto

2021-03-24 11:03:55  CMG
Share with:

Sa kanyang mensaheng pambati, Marso 23, 2021 kay Thongloun Sisoulith kaugnay ng kanyang panunungkulan bilang Pangulo ng Laos, tinukoy ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na nitong 60 taong nakalipas, mabuti at matatag ang takbo ng relasyon ng Tsina at Laos, at relasyon ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Lao People’s Revolutionary Party (LPRP).

Pangulong Tsino, ipinaabot ang mensaheng pambati sa bagong Pangulo ng Laos: relasyon ng Tsina at Laos, nasa bagong yugto_fororder_1127091656_16129599279381n_conew1

Naisakatuparan aniya ang bagong pag-unlad ng tradisyonal na pagkakaibigan ng dalawang bansa, at pinataas ang estratehikong pagtitiwalaan sa isa’t isa.

 

Binigyang-diin ni Xi na sa kasalukuyan, kinakaharap ng daigdig ang bagong kalagayan, at ang relasyon ng Tsina at Laos ay nasa mahalagang yugto.

 

Lubos na pinahahalagahan ng Tsina ang relasyon sa Laos, at nakahanda ang Tsina na magsikap, kasama ng Laos, para lalo pang patibayin at palawakin ang komprehensibong estratehikong kooperasyon ng dalawang bansa para magkasamang pasulungin ang pagkakatatag ng pinagbabahaginang kapalaran ng Tsina at Laos, dagdag pa ng pangulong Tsino.

 

Sa kabilang dako, nagpadala rin ng mensaheng pambati Marso 23 si Premyer Li Keqiang ng Tsina kay Phankham Viphavan hinggil sa kanyang panunungkulan bilang Punong Ministro ng Laos.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio

Please select the login method