Xi Jinping, nagpa-abot ng pagbati sa araw ng kasarinlan ng Bangladesh

2021-03-26 15:52:04  CMG
Share with:

Nagpadala Biyernes, Marso 26, 2021 ng mensahe si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa kanyang Bangladeshi counterpart na si Abdul Hamid, bilang pagbati sa ika-50 anibersaryo ng kasarinlan ng Bangladesh.
 

Saad ni Xi, nitong nakalipas na ilang taon, mainam ang tunguhin ng pag-unlad ng bilateral na relasyon, lumalakas ang estratehikong pagtitiwalaan, at tuluy-tuloy na sumusulong ang kooperasyon sa Belt and Road.
 

Aniya, lubos na pinahahalagahan niya ang pag-unlad ng relasyong Sino-Bangladeshi, at nakahandang magsikap, kasama ni Pangulong Hamid, upang palakasin ang estratehikong sinerhiya, palalimin ang pragmatikong kooperasyon sa iba’t ibang larangan, at pasulungin ang pagtamo ng estratehiko’t kooperatibong partnership ng dalawang bansa ng bagong bunga.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Please select the login method