Bakuna kontra COVID-19 na gawa ng Tsina, dumating sa Nepal

2021-03-29 16:53:15  CMG
Share with:

Dumating Marso 29, 2021, sa Kathmandu, Punong Lunsod ng Nepal, ang mga bakuna kontra Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) na gawa ng Sinopharm ng Tsina.

 

Sa seremonya ng pagsalubong sa paliparan, pinasalamatan ni Hridayesh Tripathi, Ministro ng Kalusugan at Populasyon ng Nepal, ang Tsina.

 

Samantala, ipinahayag naman ni Hou Yanqi, Embahador ng Tsina sa Nepal, na lubos na ipinakikita ng mga bakunang ito ang malalim na pagkakaibigan ng dalawang bansa.

 

Hanggang noong Marso 28, 2021, umabot na sa 276,839 ang kabuuang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Nepal, at 3,027 ang bilang ng mga pumanaw.

 

Inaprobahan Pebrero 17, 2021, ng Nepal ang pangkagipitang paggamit ng bakunang gawa ng Sinopharm ng Tsina.

Bakuna kontra COVID-19 na gawa ng Tsina, dumating sa Nepal_fororder_bakuna02

Salin:Sarah

Pulido:Rhio

 

Please select the login method