BRI, mas magiging tampok sa 2021 BFA

2021-03-31 11:39:53  CMG
Share with:

Idaraos mula Abril 18 hanggang Abril 21, 2021 sa Boao, Hainan ang taunang pulong ng Boao Forum For Asia (BFA).

 

Sa preskon na idinaos Marso 30, 2021, ipinahayag ni Li Baodong, Pangkalahatang Kalihim ng BFA, na daragdagan ang bahagi ng “Belt and Road Initiative (BRI)” sa 2021 taunang pulong, para talakayin ang usapin kung paanong palalakasin ang kooperasyong pandaigdig, para harapin ang mga hamon at pagkakataon sa proseso ng pagsasaayos ng buong mundo, at iba pa.

 

Aniya pa, salamat sa malakas na pagkontrol at pagpigil ng Tsina sa Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), ang taunang pulong ng BFA ngayong taon ay nagiging unang malaking komperensyang pandaigdig na isasagawa sa pamamagitan ng offline meetings, at aabot sa 2,000 ang mga kalahok nito.

 

Ang 2021 ay ika-20 anibersaryo ng pagkakatatag ng BFA. Ipinahayag naman ni Li na babalik-tanawin ng mga kalahok ang bunga na natamo ng BFA nitong nakaraang 20 taon, at ihaharap ang kalutasan ng Asya  sa patugon sa mga hamong pandaigdig.

BRI, mas magiging tampok sa 2021 BFA_fororder_boao

Salin:Sarah

Pulido:Mac

Please select the login method