Sinagot Marso 30, 2021, ng tagapagsalita ng Foreign Ministry ng Tsina ang mga tanong ng media kaugnay ng ulat sa magkasanib na pananaliksik ng Tsina at World Health Organization (WHO) sa paghahanap ng pinagmulan ng COVID-19 na isinapubliko ng WHO.
Pinuri ng Tsina ang propesyonal na diwa ng mga dalubhasang Tsino at dayuhan na kasali sa gawain ng paghahanap ng pinagmulan ng COVID-19. Sa mula’t mula pa’y, suportado ng Tsina ang mga gawain ng mga siyentista ng iba’t ibang bansa sa naturang paksa.
Sa proseso ng pananaliksik ng magkasanib na grupo ng WHO at Tsina sa Wuhan, ipinagkaloob ng Tsina ang kinakailangang tulong, na lubos na nagpakita ng bukas, maliwanag, at responsableng pakikitungo ng Tsina.
Ang paghahanap ng pinagmulan ng COVID-19 ay misyon pang-agham, ito rin ay tungkulin ng buong mundo. Nananalig ang Tsina na ang magkasamang pananaliksik ng Tsina at WHO sa Wuhan ay tiyak na mainam na magpapasulong ng kooperasyon ng buong daigdig sa gawain ng paghahanap ng pinagmulan ng COVID-19.
Salin:Sarah
Pulido:Mac