Ulat sa magkasanib na pananaliksik ng Tsina at WHO sa paghahanap ng pinagmulan ng COVID-19, pormal na inilabas

2021-03-31 15:50:48  CMG
Share with:

Ulat sa magkasanib na pananaliksik ng Tsina at WHO sa paghahanap ng pinagmulan ng COVID-19, pormal na inilabas_fororder_20210331WHO

Pormal na inilabas nitong Martes, Marso 30, 2021 ng World Health Organization (WHO) ang ulat hinggil sa magkasanib na pananaliksik ng Tsina at WHO sa pinagmulan ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
 

Ipinalalagay ng ulat na “extremely unlikely” o malayong mangyari na nahawa ang sangkatauhan ng coronavirus, dahil sa pagtagas ng virus mula sa laboratoryo.
 

Mula noong ika-14 ng Enero hanggang ika-10 ng Pebrero, 2021, isinagawa ng isang magkasanib na misyong binubuo ng 17 dalubhasang Tsino at 17 dalubhasang dayuhan ang 28-araw na pananaliksik sa pinanggalingan ng COVID-19 sa Tsina, at isinulat ang ulat ayon sa nasabing pananaliksik.
 

Sa briefing ng WHO nang araw ring iyon, pinasalamatan ni Dr. Peter Ben Embarek, Puno ng Misyon ng WHO, ang ibinigay na suporta ng pamahalaan at mga siyentipikong Tsino sa magkasanib na pananaliksik sa Tsina.
 

Saad naman ni Liang Wannian, Puno ng Misyong Tsino, na ang pagpapalabas ng ulat ay bunga ng magkasamang pagsisikap ng mga dalubhasang Tsino’t dayuhan.
 

Ayon naman kay Chen Xu, Pirmihang Kinatawan ng Tsina sa Geneva, ang origin-tracing ay hindi lamang siyentipikong isyu, kundi tungkuling pandaigdig din. Aniya, ang magkasanib na pananaliksik ng Tsina at WHO ay mainam na makakapagpasulong sa gawin ng origin-tracing sa maraming bansa at lugar ng buong mundo.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Please select the login method