Ipinatalastas Marso 30, 2021, ni Sebastian Piñera, Pangulo ng Chile, na nilagdaan na ng Chile at Tsina ang kasunduan ng pagbili ng bakuna kontra Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) na gawa ng CanSino Biologics Inc. (CanSinoBIO) ng Tsina.
Ipinahayag ni Piñera na sa lalong madaling panahon, aaprobahan ng Institusyon ng Pampublikong Kalusugan ng Chile ang pangkagipitang paggamit ng CanSinoBIO. Tinatayang darating ang naturang bakuna sa Chile sa ikalawang kuwarter ng taong 2021, na makakatulong sa Chile upang mapabilis at mapalawak ang pagbabakuna.
Hanggang sa kasalukuyan, inaprobahan na ang pangkagipitang paggamit ng bakuna ng CanSinoBIO sa Tsina, Mexcio, Pakistan, Hungary at iba pang bansa.
Samantala, sinimulan noong Pebrero 3, 2021, ng Chile ang malawakang pagbabakuna sa bansa. Hanggang Marso 30, binakunahan muna ng isang dosis ang 6,580,000 katao sa Chile. Ayon sa plano, target ng Chile ang pagbabakuna ng 15 milyong tao o mga 80% ng buong populasyon ng bansa.
Salin:Sarah
Pulido:Mac