Dumating Marso 21, 2021, sa Santiago, kabisera ng Chile, ang ika-6 na pangkat ng bakuna kontra Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) na gawa ng Sinovac ng Tsina.
Sa news briefing na idinaos sa paliparan, pinasalamatan ni Enrique Paris, Ministro ng Kalusugan ng Chile ang Tsina.
Sinabi niyang ayon sa bunga ng phase III na klinikal na pagsubok ng Sinovac na isinasagawa sa Chile, ligtas ang mga bakunang ito.
Samantala, sinabi ni Niu Qingbao, Embahador ng Tsina sa Chile, na mabisa at ligtas ang bakuna ng Tsina.
Inaasahan niyang sa tulong ng bakuna gawa ng Tsina, magtatagumpay sa lalo madaling panahon ang Chile sa paglaban sa COVID-19.
Inaprobahan Enero 20, 2021, ng Chile ang pangkagipitang paggamit ng bakunang gawa ng Sinovac ng Tsina.
Dumating Enero 28 sa Chile ang unang pangkat ng bakunang gawa ng Sinovac.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio