Dumating Marso 30, 2021, sa Cochabamba, ikatlong pinakamalaking lunsod ng Bolivia, ang ikalawang pangkat ng bakuna kontra Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) na gawa ng Sinopharm ng Tsina.
Sa seremoniya ng pagsalubong sa paliparan, taos pusong pinasalamatan ni Rogelio Mayta, Ministrong Panlabas ng Bolivia, ang pamahalaan at mga mamamayan ng Tsina. Sinabi niyang ito ang bakuna ng buhay.
Pinuri ni Mayta ang Tsina sa pagbibigay ng priyoridad sa mahigit 60 bansang kinabibilangan ng Bolivia, sa pagkakaloob ng bakuna. Ito aniya ay malakas na suporta para sa mga umuunlad na bansang patuloy na lumalaban sa pandemiya ng COVID-19, at pinasusulong ang pantay-pantay na pagbabahagi ng bakuna.
Samantala, ipinahayag ni Jeyson Auza Pinto, Ministro ng Populasyon at Isports ng Bolivia, na salamat sa bakuna na ipinagkaloob ng Tsina, sinimulan noong Pebrero ng Boliva ang malawakang pagbabakuna.
Ipinahayag ni Huang Yazhong, Embahador ng Tsina sa Bolivia, na nakahanda ang Tsina na patuloy na palalimin ang pakikipagkooperasyon sa komunidad ng daigdig, kabilangan ang Bolivia, sa paglaban sa COVID-19, para pigilin ang pagkalat ng pandemiya, at pasulungin ang pagtatatag ng pinagbabahaginang kapalaran ng kalusugan ng Tsina at Bolivia.
Ayon sa datos ng Ministri ng Kalusugan ng Bolivia, hanggang Marso 29, umabot sa 180,484 ang kabuuang bilang ng mga nabakunahan sa bansang ito.
Salin:Sarah
Pulido:Mac