Sumang-ayon kapwa nitong Huwebes, Enero 28, 2021 ang Tsina at Bolivia na magkasamang pasulungin ang Belt and Road cooperation, sa naging pag-uusap sa telepono nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Luis Arce ng Bolivia.
Tinukoy ni Xi na sapul nang manungkulan bilang lider si Pangulong Arce, madalas ang pagpapalitan ng dalawang bansa sa mataas na antas, mabilis na lumalawak ang kooperasyong pangkabuhaya’t pangkalakalan, at mainam ang koordinasyon nila sa mga multilateral na suliranin.
Nakahanda aniya ang panig Tsino na palakasin ang pagtitiwalaang pulitikal at mutuwal na pagsuporta sa Bolivia, at maluwag na tinatanggap ang panig Bolivian na lubos na gamitin ang mga platapormang gaya ng China International Import Expo (CIIE), upang ipakilala ang mga natatanging sariling produkto.
Ipinagdiinan din ni Xi ang kahandaan ng panig Tsino na palakasin ang kooperasyon sa Bolivia sa bakuna, at katigan sa abot ng makakaya ang paglaban ng panig Bolivian sa pandemiya.
Saad naman ni Pangulong Arce, nakahanda ang kanyang bansa na palakasin ang sinerhiya ng estratehiyang pangkaunlaran sa panig Tsino, palalimin ang kooperasyon sa iba’t ibang larangan, at pataasin ang estratehikong partnership ng dalawang bansa sa bagong antas.
Salin: Vera
Xi Jinping, nagpadala ng mensahe ng pangungumusta sa kanyang Mexican counterpart
Pangulong Tsino, kinumusta ang kanyang Suriname counterpart na nahawa sa COVID-19
Lubos na pagpapahalaga, ibinigay ni Xi Jinping sa gawain ng pamahalaan ng Macao SAR noong 2020
Sinerhiya ng Belt and Road Initiative at Agenda 2063 ng AU, pasusulungin