Pagpataw ng anti-dumping tax sa Australian wines, umaayon sa regulasyon ng WTO at batas ng Tsina

2021-04-02 13:36:29  CMG
Share with:

Pagpataw ng anti-dumping tax sa Australian wines, umaayon sa regulasyon ng WTO at batas ng Tsina_fororder_20210402Australia

Pagkatapos ipatupad ang 4 na buwang temporary anti-dumping measures, pormal na nagsimulang kulektahin simula noong Marso 28, 2021 ng Tsina ang anti-dumping tax sa mga Australian wines.

 

Kaugnay nito, ipinahayag ng Ministro ng Kalakalan ng Australya na ang susunod na hakbang ng kanyang bansa ay pag-iisipang isumite ang isyung ito sa World Trade Organzation (WTO).

 

Bilang tugon, ipinahayag nitong Huwebes, Abril 1, 2021 ni Tagapagsalita Gao Feng ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, na ang pagpapatupad ng anti-dumping measure ay makatuwiran at lehitimong karapatang ibinibigay ng WTO sa mga miyembro nito. Ang naturang hakbang ng Tsina ay umaayon sa regulasyon ng WTO at batas ng bansa, diin niya.


Salin: Lito
Pulido: Mac

Please select the login method