Pagbibigay-pugay sa mga martir kasama ni Pangkalahatang Kalihim Xi Jinping

2021-04-02 16:18:17  CMG
Share with:

Ang darating na Linggo, Abril 4, 2021 ay Qingming Festival o Tomb Sweeping Day sa Tsina. Sa bisperas ng okasyong ito, bibigyang-pugay kasama ni Pangkalahatang Kalihim Xi Jinping ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) ang mga martir, at aalalahanin ang ang kasaysayan.

Pagbibigay-pugay sa mga martir kasama ni Pangkalahatang Kalihim Xi Jinping_fororder_20210402XiJinping3

Sapul nang idaos ang Ika-18 Pambansang Kongreso ng CPC, sa magkakaibang okasyon, paulit-ulit na ginugunita ni Xi ang mga martir, at pinapatnubayan ang buong lipunan na huwag kalimutan ang mga bayani na nagbigay ng napakalaking ambag para sa nasyon at mga mamamayang Tsino.

Pagbibigay-pugay sa mga martir kasama ni Pangkalahatang Kalihim Xi Jinping_fororder_20210402XiJinping1

Sa seremonya bilang pagdiriwang sa ika-95 anibersaryo ng pagkakatatag ng CPC, ipinagdiinan ni Xi na dapat tandaan ang hangaring iniwan ng mga martir, at hindi dapat makalimutan ang kani-kanilang sakripisyo para sa pagsasakatuparan ng dakilang mithi.

Pagbibigay-pugay sa mga martir kasama ni Pangkalahatang Kalihim Xi Jinping_fororder_20210402XiJinping2

Maraming beses siyang naglakbay-suri sa mga banal na lugar na pinangyarihan ng rebolusyon, at bumisita sa mga museo ng paggunita sa kasaysayan ng rebolusyon.

Pagbibigay-pugay sa mga martir kasama ni Pangkalahatang Kalihim Xi Jinping_fororder_20210402XiJinping4

Layon ng ganitong biyahe ni Xi ay ipakita ang determinasyon ng CPC sa pagtahak sa landas ng sosyalismong may katangiang Tsino, at walang humpay na pagpapasulong sa usaping nilikha ng mga ninuno.
 

Ang taong 2019 ay ika-70 anibersaryo ng pagkakatatag ng Republika ng Bayan ng Tsina. Ang pag-alala at pagbibigay-pugay sa mga martir ay naging nukleong tema ng paglalakbay-suri ni Xi sa loob ng bansa.

Pagbibigay-pugay sa mga martir kasama ni Pangkalahatang Kalihim Xi Jinping_fororder_20210402XiJinping5

Maraming beses niyang ipinagdiinan na huwag kalimutan ang mga martir, at dapat ipamana ang diwa ng red political power sa hene-henerasyon.
 

Ang pinakamagandang paraan ng pag-alala sa mga martir ay pagpapamana ng kani-kanilang mithiin at pananampalataya, hindi natatakot sa anumang kahirapan at hamon, at walang humpay na umaabante!
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Please select the login method