Kasaysayan ng CPC sa mga pintura - Simula: Unang Pambansang Kongreso ng CPC

2021-03-17 17:25:10  CMG
Share with:

Kasaysayan ng CPC sa mga pintura - Simula: Unang Pambansang Kongreso ng CPC_fororder_20210317pulangbangka1

Oil painting "Simula: Unang Pambansang Kongreso ng CPC"

 

Ang oil painting sa itaas ay pinamagatang "Simula: Unang Pambansang Kongreso ng CPC," at inilalarawan nito ang pagsakay ng mga kinatawan sa isang bangkang panturista sa South Lake sa Jiaxing, lunsod ng lalawigang Zhejiang sa silangang Tsina, para dumalo sa huling araw ng pulong ng kongreso, na naganap noong Agosto 3, 1921.

 

Kasaysayan ng CPC sa mga pintura - Simula: Unang Pambansang Kongreso ng CPC_fororder_20210317pulangbangka2

Sina Mao Zedong at Dong Biwu sa gitna ng mga kinatawan

 

Sa gitnang bahagi ng obrang sining, nakatayo ang isang lalaking nakasuot ng asul, at siya ay si Mao Zedong, Tagapangulo ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) simula noong 1943, at tagapagtatag ng Republika ng Bayan ng Tsina.

 

Kabilang sa ibang mga kinatawan ay si Dong Biwu, na nanungkulan bilang miyembro ng Pulitburo ng CPC mula noong 1945 hanggang 1975, at Pangalawang Pangulo ng Tsina mula 1959 hanggang 1975. Siya ay nasa kaliwa ni Mao, at suot ang itim na pang-itaas at dilaw na pantalon.

 

Kasaysayan ng CPC sa mga pintura - Simula: Unang Pambansang Kongreso ng CPC_fororder_20210317pulangbangka3

Sina He Hongzhou (kaliwa) at Huang Faxiang (kanan)

 

Ginawa noong 2009 ang pinintang larawang ito nina He Hongzhou at Huang Faxiang, dalawang kilalang pintor mula sa China Academy of Art.

 

Dahil hindi nakunan ng litrato o video ang Unang Pambansang Kongreso ng CPC, ginugol ng dalawang pintor ang halos 3 taon, para suriin ang mga materyal na pangkasaysayan at bisitahin ang South Lake, lugar na pinagdausan ng kongreso. Pagkatapos nito, ginawa nila ang painting batay sa resulta ng pag-aaral at sariling likhang-isip.

 

Kasaysayan ng CPC sa mga pintura - Simula: Unang Pambansang Kongreso ng CPC_fororder_20210317pulangbangka4

Maulap na langit at sikat ng araw

 

Ayon sa materyal na pangkasaysayan, bahagyang umulan noong Agosto 3, 1921. Pero, ginuhit ng dalawang pintor ang makapal na itim na ulap, at ang pagsilip ng sikat ng araw sa kabilang bahagi.

 

Anila, ang maulap na langit ay kumakatawan ng kaligaligan sa Tsina noong panahong iyon, at ang sikat ng araw naman ay sumasagisag ng pag-asang idinulot ng CPC sa mga Tsino.

 

Idinaos mula noong Hulyo 23 hanggang Agosto 3, 1921, ang Unang Pambansang Kongreso ng CPC, kung saan pormal na naitatag ang partidong ito, ginawa ang mga dokumentong pragramatiko, at inihalal ang liderato ng CPC. Lumahok sa kongreso ang 12 kinatawan mula sa iba't ibang lugar ng Tsina.

 

Kasaysayan ng CPC sa mga pintura - Simula: Unang Pambansang Kongreso ng CPC_fororder_20210317pulangbangka5
Arkitekturang residensyal na pinagdausan ng unang mga araw ng pulong

 

Ang unang mga araw ng pulong ng kongreso ay naganap sa isang arkitekturang residensyal, noong panahong iyon sa loob ng French Concession ng Shanghai. Dahil sa panggigipit at paghadlang ng pulisya, lumipat ang mga kinatawan sa Jiaxing para ipagpatuloy ang kongreso.

 

Kasaysayan ng CPC sa mga pintura - Simula: Unang Pambansang Kongreso ng CPC_fororder_20210317pulangbangka6

Pulang bangka sa South Lake

 

Pagkaraang itatag ang Republika ng Bayan ng Tsina, ginawa ang isang replika ng bangkang panturista na pinagdausan ng huling araw ng pulong ng kongreso, at ipinarada sa pampang ng South Lake ng Jiaxing. Tinatawag itong "pulang bangka," dahil ang pula ay sagisag na kulay ng CPC.

 

Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos

Please select the login method