
Ayon sa pinakahuling datos mula sa Pambansang Komisyon ng Kalusugan ng Tsina, naitala kahapon, Sabado, ika-3 ng Abril 2021, sa Chinese mainland, ang 10 bagong demostikong kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), at ang lahat ng mga ito ay sa Ruili, lunsod ng lalawigang Yunnan sa purok-hanggahan ng Tsina at Myanmar.
Naitala rin ang isang bagong asimptomatikong kaso sa lugar na ito.
Hanggang kahapon, may 36 na kumpirmadong kaso at 51 asimptomatikong kaso sa Ruili. Ang lahat ng mga ito ay binibigyang-lunas o ipinasasailalim sa obserbasyong medikal sa mga ospital.
Editor: Liu Kai