Ayon sa pinakahuling datos mula sa Pambansang Komisyon ng Kalusugan ng Tsina, 11 ang bagong naitalang kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa Chinese mainland nitong Martes, Marso 30, 2021.
Kabilang dito, 5 ang galing sa labas ng bansa, at 6 naman ang domestikong kasong naitala sa Lalawigang Yunnan ng bansa.
Hanggang magha-hating gabi ng Marso 31, ang kabuuang bilang ng umiiral na kumpirmadong kaso sa Chinese mainland ay 180.
Samantala, 4,636 ang kabuuang bilang ng mga pumanaw.
Salin: Vera
Pulido: Mac