Ipinaalam nitong Huwebes, Abril 8, 2021 ng National Disaster Management Agency ng Indonesia na ang pinakasamang lagay ng klima na dulot ng tropical cyclone ay ikinamatay ng 165 katao sa bansa, at 45 iba pa ang nawawala.
Sa kasalukuyan, mahigit 20,000 apektadong mamamayan ang pangkagipitang inilikas sa kani-kanilang tahanan.
Bukod sa kasuwalti, nasira sa magkakaibang digri ang 115 instalasyong pampubliko at mahigit 13,600 bahay.
Kasabay ng pagsulong ng gawain ng pagliligtas at pagbilang, tinayang tataas ang bilang ng mga kasuwalti at kapinsalaan sa ari-arian.
Salin: Vera
Pulido: Mac