Lampas sa 30,000, kabuuang bilang ng mga pumanaw sa COVID-19 sa Indonesia

2021-02-02 15:13:53  CMG
Share with:

Ayon sa datos na inilabas ng National Disaster Management Agency ng Indonesia nitong Lunes, Pebrero 1, 2021, umabot na sa 30,277 ang kabuuang bilang ng mga pumanaw sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa Indonesia.
 

Ipinakikita ng datos na sa loob ng 24 na oras, 10,994 ang bagong naitalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Indonesia, at 279 ang bagong pumanaw.
 

Samantala, 1,089,308 ang kabuuang bilang ng mga naitalang kumpirmadong kaso sa bansang ito.
 

Nag-tweet nitong Lunes si Pangulong Joko Widodo ng Indonesia na nagsasabing upang makontrol ang bilis ng pagkalat ng coronavirus, kailangang mas mahigpit at tuluy-tuloy na ipatupad ng mga may kinalamang departamento ng pagpigil sa epidemiya ang mga hakbangin sa pagkontrol, at kailangang sundin ng mga mamamayan ang kaukulang alituntunin.
 

Salin: Vera

Please select the login method