Noong Abril 8, 2020, inalis ang 76-araw na lockdown sa lunsod ng Wuhan, Lalawigang Hubei ng Tsina, at sinimulang muli ang pag-ahon ng kabuhaya’t lipunan. Isang taon na ang nakararaan, napanaigan ng Wuhan ang epekto ng pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), at muling bumalik sa hanay ng 10 lunsod na nangunguna sa bansa kung kabuuang bolyum ng kabuhayan ang pag-uusapan.
Ang mabilis na pagbangon ng kabuhayan ng Wuhan sa loob ng isang taon ay muling nagpapatunay ng katalinuhan ng desisyon ng pamahalaan sa pagsasagawa ng lockdown, at mahalagang katuturan nito para sa pagpigil sa pagkalat ng pandemiya. Ipinakikita nito ang napakalaking pagsisikap ng Tsina para sa paglaban sa pandemiya sa daigdig at pagpapanumbalik ng kabuhayan.
Ang matatag na pagpapanumbalik ng kabuhayang Tsino nitong nakalipas na isang taon ay mabisang nakapagpasigla ng kabuhayang pandaigdig na sumasadlak sa grabeng resesyon.
Sa World Economic Outlook na inilabas Abril 6, 2021, tinaya ng International Monetary Fund (IMF) na magkahiwalay na lalago ng 6% at 4.4% ang kabuhayang pandaigdig sa taong 2021 at 2022. 8.4% at 5.6% naman ang magiging paglaki ng kabuhayang Tsino sa taong 2021 at 2022, ayon sa pagkakasunod.
Dagdag ng naturang ulat, mabilis at mabisa ang mga hakbangin ng Tsina sa pagharap sa pandemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), kaya mas mabilis ang pagbangon ng bansa mula sa krisis kumpara sa ibang bansa.
Hanggang sa kasalukuyan, isinasapulitika pa rin ng ilang pulitikong Amerikano at kanluranin ang isyu ng origin-tracing ng coronavirus at bakuna, at tinatangkang siraang-puri ang Tsina. Pero walang tumatangkilik sa kani-kanilang paninirang-puri, dahil sa pag-unlad ng Wuhan at ginawang pagsisikap ng Tsina para sa paglaban ng buong mundo sa pandemiya.
Salin: Vera
Pulido: Mac
Tsina, patuloy na makikipagtulungan sa iba’t ibang bansa para pagtagumpayan ang pandemiya
Pagtasa sa kilos ng isang bansa sa paglaban sa pandemiya, dapat umayon sa katotohanan
Makatotohanang sinabi ng eksperto ng WHO tungkol sa gawain sa Wuhan
Mga eksperto ng WHO, pumuna sa pinilipit na ulat ng New York Times