Inilabas kamakailan ng Lowy Institute, Australian think tank, ang ranking ng 98 bansa sa kilos ng paglaban sa pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19). Hindi inilakip sa nasabing ranking ang Chinese mainlad, dahil sa umano’y kaunting inilabas na datos.
Kaugnay nito, sinabi nitong Lunes, Pebrero 1, 2021 ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang pagtasa sa kilos ng isang bansa o rehiyon sa paglaban sa pandemiya ay dapat ibatay sa katotohanan.
Saad ni Wang, sapul nang sumiklab ang pandemiya, itinayo ng panig Tsino ang pinakamahigpit, propesyonal at mabisang sistema ng pagpapalabas ng impormasyon, at napapanahong isinasapubliko ang mga awtorisadong impormasyon.
Tinukoy niyang sa mula’t mula pa’y iginigiit ng Tsina ang ideyang “Mga mamamayan muna at buhay muna,” at isinasagawa ang pinakakomprehensibo, pinakamahigpit at pinakaganap na hakbangin sa pagpigil at pagkontrol sa pandemiya.
Isinalaysay niyang sa loob ng isang buwan, inisyal na napigil ang tunguhin ng pagkalat ng pandemiya; sa loob ng humigit-kumulang dalawang buwan, nakontrol sa loob ng single digit ang pang-araw-araw na bagong karagdagang domestikong kaso; at sa loob ng mga tatlong buwan, natamo ang tiyak na tagumpay sa paglaban sa pandemiya sa Wuhan at Lalawigang Hubei.
Napapatunay ng katotohanan na sa ilalim ng pamumuno ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), ang isinagawang hakbangin ng Tsina sa pagpigil at pagkontrol sa pandemiya ay mabisang nangangalaga sa seguridad ng buhay at kalusugan ng mga mamamayan, dagdag ni Wang.
Salin: Vera