Mahigit 1.2 milyong Pakistani, nagpaturok ng bakunang Tsino

2021-04-11 12:37:51  CMG
Share with:

Kasunod ng pagdating sa Pakistan ng mga pangkat ng bakunang Tsino  kontra Corona Virus Disease 2019  (COVID-19), parami nang paraming mamamayang Pakistani ang nagpapaturok ng mga bakuna.

 

Hanggang sa kasalukuyan, mahigit 1.2 milyong mamamayang Pakistani ang naturukan na ng bakuna at ang karamihan sa mga ito ay gawa ng Tsina.

 

Ayon kay Shazil Nawaz, tauhang medikal ng Pakistan, mabisang makokontrol ang pandemiya ng COVID-19 sa Pakistan sa pamamagitan ng mga bakunang gawa ng Tsina.

 

Ipinahayag naman ni Asad Umar, Ministro ng Pag-unlad ng Proyekto at Espesyal na Programa ng Pakistan, na kasalukuyang kumakalat sa kanyang bansa ng ika-3 pandemic wave.

 

Aniya, napakahalagang panahon ang darating na 5 hanggang 6 na linggo para makontrol ang pandemiya.


Salin: Lito
Pulido: Rhio

Please select the login method