Pangulo ng Comoros, tinurukan ng bakunang Tsino kontra COVID-19

2021-04-11 12:36:13  CMG
Share with:

Pormal na sinimulan sa Moroni, punong lunsod ng Comoros, Sabado, Abril 10 (local time), 2021 ang pagtuturok ng bakunang Tsino kontra sa COVID-19.

 

 

Nagpa-iniksyon si Pangulong Azali Assoumani ng Comoros sa bakunang gawa ng Sinopharm.

 

Ipinahayag ni Pangulong Azali ang pasasalamat sa ibinigay na bakuna ng Tsina.

 

Tinukoy niyang ang pagsisimula ng inokulasyon sa bansa ay sumasagisag ng pagpasok sa bagong yugto ng pakikibaka ng Comoros laban sa pandemiya.

 

Sa paanyaya ng pamahalaan ng Comoros, kasamang dumating ng Moroni, Marso 17 ng bakuna at medikal na materyal ang grupong medikal ng Tsina para bigyang-suporta ang kampanya ng bansa  kontra COVID-19.

 

Dumalo sa seremonya ng pagsisimula sina He Yanjun, Embahador ng Tsina sa Comoros, mga miyembro ng grupong medikal ng Tsina, at mga opisyal ng Comoros.


Salin: Lito
Pulido: Rhio

Please select the login method