Iran, hihigpitan ang hakbangin ng pagpigil at pagkontrol sa COVID-19

2021-04-11 12:33:05  CMG
Share with:

Ipinatalastas nitong Sabado, Abril 10, 2021 ng Iran na sa loob ng darating na 10 araw, hihigpitan sa buong bansa ang mga hakbangin ng pagpigil at pagkontrol sa pandemiya ng COVID-19.

 

Ayon dito, ipagbabawal ang pagpasok-labas ng mga mamamayan sa high-risk cities, sususpendihin ang operasyon  ng mga di-kinakailangang industriya, at sasarhan ang mga paaralan, entertainment center, at iba pang mga pampublikong lugar upang harapin ang ika-4 na COVID-19 wave.

 

Kaugnay nito, ipinahayag nang araw ring iyon ni Pangulong Hassan Rouhani ng Iran na ang pagkalat ng COVID-19 variant na unang natuklasan sa Britanya, ay ang pangunahing sanhi ng paglitaw ng ika-4 na pandemic wave sa bansa.

 

Aniya pa, isa pang sanhi ay madalas na paglalakbay at pagtitipun-tipon ng mga mamamayang Iranyo sa panahon ng bagong taon ng Iran.


Salin: Lito
Pulido: Rhio

Please select the login method