10, dagdag na kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Chinese mainland, - Abril 10: lahat, galing sa ibang bansa

2021-04-11 12:34:30  CMG
Share with:

Ayon sa Pambansang Komisyon ng Kalusugan ng Tsina, nitong Sabado, Abril 10, 2021, 10 ang naitalang  bagong kumpirmadong kaso ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) sa Chinese mainland, at lahat ito ay galing sa ibang bansa.

 

Bukod dito, walang naitalang bagong kaso ng namatay, at wala ring bagong pinagdududahang kaso.

 

Hanggang nitong Sabado, 286 na kumpirmadong kaso (4 ang nasa kritikal na kondisyon) ang umiiral sa Chinese mainland, at 4,636 ang kabuuang bilang ng mga binawian ng buhay.


Salin: Lito
Pulido: Rhio

Please select the login method