Imposible ang pagtagas mula sa laboratory ng COVID-19

2021-04-09 16:28:56  CMG
Share with:

Ipinalabas kamakailan ng 24 siyentipiko at mananaliksik ang pampublikong liham na nagsasabing naapektuhan ng elementong pulitikal ang trabaho ng World Health Organization (WHO) sa pananaliksik ng pinagmulan ng coronavirus.

 

Kaugnay nito, ipinahayag Abril 8, 2021, ni Zhao Lijian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na tunay na naapektuhan ng elementong pulitikal ang pananaliksik ng WHO sa pinagmulan ng virus, pero hindi dahil  sa Tsina,  ito ay pakana ng Amerika.

Imposible ang pagtagas mula sa laboratory ng COVID-19_fororder_zhaolijian

Aniya ang gawing pulitikal ng ilang bansang tulad ng Amerika hinggil sa pananaliksik sa pinagmulan ng virus, ay nakakasira sa kooperasyon ng Tsina at WHO, at paninirang-puri sa  Tsina.

 

Ang aksyon nila ay hindi lamang nakakapinsala sa kooperasyong pandaigdig ng pananaliksik ng pinagmulan ng virus, kundi humahadlang rin sa pagsisikap ng buong mundo sa paglaban sa Corona Virus Disease 2019 (COVID-19).

 

Samantala, kaugnay ng isyu ng “pagtagas ng virus mula sa laboratoryo” ipinahayag ni Zhao na ayon sa imbestigasyon ng WHO sa Tsina, buong pagkakaisang ipinalalagay ng mga dalubhasa na imposible ito.

 

Umaasa ang Tsina na pananatilihin  ang kooperatibong pakikitungo ng iba’t ibang kinauukulang panig, kabilang ang Amerika, at aktibong makipagkooperasyon sa WHO sa gawain ng pananaliksik sa pinagmulan ng virus, at mag-anyaya ng mga dalubhasa ng WHO na pumunta sa kanilang sariling bansa para isagawa ang imbestigasyon, saad ni Zhao.

 

Salin:Sarah

Pulido:Mac

Please select the login method