Taunang pulong ng BFA sa 2021, lubos na inaasahan ng iba’t ibang panig

2021-04-12 16:29:56  CMG
Share with:

 

 

Sa ilalim ng temang “A World in Change: Join Hands to Strengthen Global Governance and Advance Belt and Road Initiative (BRI) Cooperation,” bubuksan sa Abril 18, ang taunang pulong ng Bo’ao Forum For Asia (BFA) sa taong 2021.

 

Inaasahang malalim na magpapalitan ng kuru-kuro ang lahat ng may-kinalamang panig kaugnay ng iba’t-ibang temang kinabibilangan ng pag-unawa sa tunay na Tsina, pagsasamantala sa pagkakataong hatid ng pagbabago ng daigdig, kooperasyon ng BRI at iba pa.

 

Layon nitong marating ang “Kalutasan ng Bo’ao” para sa paglaban sa Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), mapabuti ang pagsasa-ayos ng daigdig, mapabangon ang kabuhayan at iba pa.

 

Ang taong 2021 ay Ika-20 Anibersaryo ng Pagkakatatag ng BFA.

 

Kaugnay nito, ipinahayag kamakailan sa Beijing ni Gao Feng, Tagapagsalita ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, na pagkaraan ng 20 taong pag-unlad, ang BFA ay isa nang mahalagang plataporma ng pagkakaisa ng komong palagay ng iba’t ibang panig, pagpapasulong ng integrasyon ng ekonomiya ng Asya, at paglutas sa mga isyung kinakaharap ng Asya at daigdig.

Taunang pulong ng BFA sa 2021, lubos na inaasahan ng iba’t ibang panig_fororder_boao

Salin:Sarah  

Pulido:Rhio

Please select the login method