Opisyal ng Xinjiang: Patuloy na bumubuti ang pamumuhay ng mga lokal na mamamayan

2021-04-13 20:55:05  CMG
Share with:

Opisyal ng Xinjiang: Patuloy na bumubuti ang pamumuhay ng mga lokal na mamamayan_fororder_6d6f4ef072d842c5956d244dde2ce057

 

Sa artikulong inilabas kahapon, Lunes, ika-12 ng Abril 2021, sinabi ni Ghulamjan Adil, Pangalawang Puno ng Kawanihan ng Yamang-tao at Seguridad Panlipunan sa Aksu Prefecture, Rehiyong Awtonomo ng Uygur ng Xinjiang ng Tsina, na nitong mga taong nakalipas, nasaksihan niya ang tuluy-tuloy na pagtaas ng lebel ng seguridad panlipunan at pagbuti ng pamumuhay ng mga residente sa Aksu Prefecture na kinabibilangan ng mga etnikong Uygur.

 

Tinukoy din ni Adil, na madalas siyang bumisita sa mga pamilya sa lokalidad, at nalaman ang mga pinsalang dulot ng mga mamamayang apektado ng ekstrimistikong pag-iisip. Aniya, pagkaraang mag-aral ang mga mamamayang ito sa sentro ng pag-aaral at pagsasanay, naging mahusay sila sa kakayahang bokasyonal, nagkaroon ng trabaho, at itinakwil ang ekstrimistikong isip.

 

Mabuti ito sa hindi lamang kanilang sarili, kundi rin sa kani-kanilang pamilya, diin ni Adil.

 

Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos

Please select the login method