Sa kasalukuyan, ang Hainan ay tanging espesyal na sonang ekonomiko sa antas ng lalawigan sa Tsina, at tinatawag itong pinakamalaking lugar ng pagsubok ng reporma at pagbubukas.
Sa seremonya ng ika-30 anibersaryo ng pagkakatatag ng espesyal na sonang ekonomiko ng Hainan noong ika-13 ng Abril, 2018, ipinatalastas ni Pangulong Xi Jinping ng bansa ang kapasiyahan ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) na suportahan ang pagtatatag ng Hainan ng pilot free trade zone, bagay na nagbukas ng bagong kabanata ng reporma at pagbubukas ng Hainan.
Noong Hunyo ng 2020, iniharap ni Xi na dapat magpunyagi upang inisyal na buuin ang sistema ng patakaran ng free trade port na may pokus na liberalisasyon at pasilitasyon ng kalakalan at pamumuhunan sa taong 2023, at magsilbi itong bagong high point ng bukas na ekonomiyang Tsino sa taong 2035.
Ayon sa patnubay ni Pangulong Xi, hanggang kalagitnaan ng kasalukuyang siglo, komprehensibong itatatag ang free trade port na may impluwensiyang pandaigdig at mataas na lebel.
Sa kasalukuyan, ang Tsina ay nasa masusing panahon ng pagsasakatuparan ng dakilang pag-ahon ng nasyong Tsino. Bilang isa sa mga himala ng reporma at pagbubukas ng bansa, paanong patuloy na aabante ang Hainan?
Sa seremonya bilang pagdiriwang sa ika-40 anibersaryo ng pagkakatatag ng Espesyal na Sonang Ekonomiko ng Shenzhen noong nagdaang Oktubre, ibinigay ni Xi ang kanyang sagot: dapat buong tatag na ipatupad ng kontruksyon ng espesyal na sonang ekonomiko sa bagong panahon ang bagong ideyang pangkaunlaran, at pasulungin ang reporma at pagbubukas, batay sa mas mataas na starting point.
Salin: Vera
Pulido: Mac