Nanawagan si Pangulong Xi Jinping ng Tsina para palakasin ang kooperasyon sa pagitan ng mga lugar sa silangang bahagi at kanlurang bahagi ng bansa, para pabilisin ang pagpapayabong ng kanayunan.
Ang instruksyong ito ay inilabas sa isang pambansang pulong tungkol sa pagpawi ng karalitaan, na idinaos ngayong araw, Huwebes, ika-8 ng Abril 2021, sa Yinchuan, punong lunsod ng Rehiyong Awtonomo ng Hui ng Ningxia.
Sinabi ni Xi, na ang pagbuo ng pares ng isang lugar sa silangang bansa at isa naman sa kanlurang bansa, para magbigay-tulong ang una sa huli sa pagpapaunlad ng kabuhayan at lipunan, ay isa sa mga pangunahing hakbangin ng pagpawi ng karalitaan sa Tsina.
Dagdag niya, sa kasalukuyan, mahalaga rin ito para pabilisin ang pagpapayabong ng kanayunan, itaguyod ang koordinadong rehiyonal na pag-unlad, at pasulungin ang komong kaunlaran.
Editor: Liu Kai