Idinaos Abril 13, 2021, ang talakayan ng Pambansang Komisyon ng Pag-unlad at Reporma ng Tsina (NDRC) kaugnay ng Ika-14 Panlimahang Taong Plano ng Tsina. Lumahok dito ang 60 kinatawan ng 47 samahang komersyo at kompanyang Amerikano sa Tsina
Sa talakayan, ipinahayag ni Ning Jizhe, Pangalawang Direktor ng NDRC na nitong mahigit 40 taong nakalipas sapul nang isagawa ang patakaran ng reporma at pagbubukas sa labas, nagiging mahigpit ang pagpapalitang pangkabuhayan at pangkalakalan ng sirkulo ng industriya at komersyo ng Tsina at Amerika, aktibong nakisangkot ang mga kompanyang Amerikano sa proseso ng Tsina sa panahon ng reporma at pagbubukas sa labas, at naging mahalagang bahagi sila ng pag-unlad ng kabuhayang Tsino.
Aniya, para sa Amerika at buong daigdig, ang mapayapang pag-unlad ng Tsina ay pagkakataon sa halip ng hamon. Maaaring patingkarin ng kapuwang Tsina at Amerika ang papel na komplementaryo para hanapin ang magkakasamang pag-unlad.
Ipinahayag ng mga kalahok na senior executives ng kompanyang Amerikano sa Tsina na sa tingin nila, mabuti ang pamilihang Tsino sa loob ng mahabang panahon, at inaasahan nilang komprehensibong makikilahok sa pag-unlad ng Tsina sa panahon ng Ika-14 Panlimahang Taong Plano ng Tsina.
Salin:Sarah
Pulido:Mac