Ayon sa 2021 China Business Climate Survey Report na inilabas kamakailan ng American Chamber of Commerce in China, nananatiling optimistiko ang mga dayuhang kompanya sa prospek ng kani-kanilang pag-unlad sa Tsina.
Sinabi ng ulat, sa mga kinapanayam na kompanyang Amerikano, itinuturing ng 61% ang Tsina bilang unang pili sa destinasyon ng pamumuhunan, at nananalig sila sa ibayo pang pagbubukas ng pamilihang Tsino sa mga dayuhang kompanya.
Kaugnay nito, ipinahayag ni Zhang Monan, punong mananaliksik ng China Center for International Economic Exchanges, na ipinakikita ng naturang ulat na taliwas sa katotohanan ang di-umanong "decoupling" sa Tsina na itinutulak ng panig Amerikano, at ang kooperasyon ay pangunahing tunguhin pa rin sa pagitan ng Tsina at Amerika sa hinaharap.
Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos
Tsina, umaasang tatalakayin kasama ng Amerika ang mga isyung kapwa pinahahalagahan
1.9 trilyong dolyares na relief bill ng Amerika, nilagdaan ni Pangulong Biden
Komong kapakanan, dapat palawakin ng Tsina at Amerika - Li Keqiang
Mabuting kapaligirang pangnegosyo, inaasahang lilikhain ng Tsina at Amerika
Ugnayang Sino-Amerikano, di zero-sum game: Tagapagsalitang Tsino