Ang pagkukunwari ng Britanya ay lubos na ipinakita sa pamamagitan ng manipulasyon nito sa isyu ng British National Overseas (BNO) passport, ipinahayag ito Abril 13, 2021, ng tagapagsalita ng Embahadang Tsino sa Britanya.
Ipinatalastas kamakailan ng pamahalaan ng Britanya ang paglalaan ng pondong 59.15 milyong dolayares para sa trabaho, pabahay, edukasyon at iba pang problema ng mga pamiliya ng mga taga Hong Kong na pumunta sa Britanya sa pamamagitan ng BNO.
Kaugnay nito, sinabi ng Tsina na nilabag ng Britanya ang sarili nitong pangako, unilateral na binago ang aksyon, naki-alam sa mga suliranin ng Hongkong at mga suliraning panloob ng Tsina.
Mahigpit na kinondena at tinututulan ito ng Tsina, at hindi kinikilala ng Tsina ang BNO bilang dokumento may bisa para sa paglalakbay ng mga dayuhan, at napanatili ng Tsina ang karapatan ng pagsagawa ng ibang hakbangin.
Hinimok ng Tsina ang Britanya na agarang itigil ang pulitikal na manipulasyon, saad ng tagapagsalita.
Salin:Sarah
Pulido:Mac