Sa kanyang talumpati Abril 13, 2021, sa resepsyon bilang pagdiriwang sa ika-5 anibersaryo ng Lancang-Mekong Cooperation (LMC), sinabi ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, na ang 6 na bansa ng LMC ay malapit at mapagkaibigang kapitbansa, at bunsod nito naitatag ang cooperation partners. Nitong 5 taong nakalipas sapul nang itatag ang LMC, ito ay nakakapaghatid ng aktuwal na benepisyo para sa mga mamamayan ng iba’t ibang bansa sa Lancang-Mekong River.
Aniya, sa kasalukuyan, pinapabilis ng Tsina ang pagkakatatag ng bagong organo ng pag-unlad, at kinakaharap ng LMC ang bagong pagkakataon.
Magsisikap ang Tsina, kasama ng mga bansa ng Mekong River, para patuloy na pasulungin ang walang humpay na pag-unlad ng LMC, at itatag ang bagong modelo ng kooperasyong panrehiyon.
Samantala, sa ngalan ng mga sugo ng mga bansa sa kahabaan ng Mekong River, nagtalumpati si Myo Thant Pe, Embahador ng Myanmar sa Tsina.
Sinabi niya na nakahanda ang iba’t ibang kinauukulang bansa na patuloy at mahigpit na makipagkooperasyon sa Tsina, para palalimin ang aktuwal na pagtutulungan upang magdulot ng benepisyo para sa mga mamamayan.
Salin:Sarah
Pulido:Mac