Olympic torch relay sinimulan sa Osaka, umiwas sa pampublikong lansangan

2021-04-14 16:37:00  CMG
Share with:

Sinimulan Abril 13,2021, ang torch relay ng Tokyo Olympic Games sa Expo'70 Commemorative Park in Osaka City sa Osaka, Hapon, sa halip na pagtakbo sa mga lansangan.

 

Ito ang kauna-unahang torch relay na di binuksan sa publiko sapul nang simulan ito Marso 25, sa Fukishima.

 

Ayon sa ulat ng Japan Broadcasting Corporation (NHK), lumampas ng 1,000 ang bilang ng bagong naitalang kumpirmadong kaso ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) sa Hapon noong Abril 13, na lumikha ng bagong rekord sa kasaysayan. Ang Osaka ay lugar na pinakamalubhang naapektuhan ng pandemiya sa buong Hapon.

 

Samantala, ayon sa ulat na inilabas Abril 12, ng Kyodo News, 13.2% ng mga respondents ang nagsabing inaasahan nilang tatagal hanggang sa pagbubukas ng Olympic Games ang torch relay.

Olympic torch relay sinimulan sa Osaka, umiwas sa pampublikong lansangan_fororder_olympic

Salin:Sarah

Pulido:Mac

Please select the login method