Si Tubuhan Ruzi at kanyang pamilya ay taga-nayong Guza Kanti, Rehiyong Awtonomo ng Lahing Uyghur ng Xinjiang, Tsina.
Mahirap noon ang pamumuhay nila, pero dahil sa tulong ng lokal na pamahalaan, umahon mula sa karalitaan ang kanilang pamumuhay mula noong Setyembre 2017.
Sa kasalukuyan, nagtatrabaho si Tubuhan Ruzi sa pagawaan, at lampas 3,500 yuan RMB o nasa mga Php 25,000 Piso ang kita niya bawat buwan.
Samantala, pinatatakbo naman ng kanyang asawa ang sariling tindahan ng damit.
Sa panayam, sinabi ni Tubuhan Ruzi na, napakasaya niya sa kasalukuyang situwasyon.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio