Sa nayong Yarkant sa Xinjiang, Tsina, may isang kalye na mahigit 100 taon ang kasaysayan, na tinatawag na “Kazanci.”
Ang salitang “Kazanci” ay wikang Uighur, ibig sabihin nito ay “palaisip.” Sa Kazanci, nagtipon-tipon ang mga tao na gumawa at nagbenta ng mga palayok at kaldero.
Noong Setyembre, 2019, sinimulan ng lokal na pamahalaan ng Yarkant ang buong lakas na pagpapaunlad ng industriyang panturismo. Binago ang Kazanci sa modernong komersyal na lansangan na may 363 tindahan. Umabot sa 1,500 metro ang kabuuang haba nito, at 960 ang lahat ng nagtatrabaho dito.
Ang magandang modernong Kazanci ay umakit ng 2.33 milyong turista galing sa 4 na sulok ng bansa, na nagkaroon ng 278 milyong yuan RMB na kita noong 2019 para sa mga tao dito.
Salin:Sarah
Pulido:Mac