Bilang espesyal na sugo ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, lumahok Lunes, Abril 19, 2021, sa pamamagitan ng video link, si Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, sa bukas na debatehan sa mataas na lebel ng United Nations Security Council (UNSC), tungkol sa pagpapalakas ng pakikipagkooperasyon ng UN sa mga rehiyonal at subrehiyonal na organisasyon.
Bilang mahalagang porma ng multilateralismo, ipinahayag ni Wang ang suporta ng Tsina sa naturang usapin.
Ito aniya ay malaking ambag para sa kapayapaan at kaunlaran ng daigdig.
Aniya pa, itinatag na ng Tsina, kasama ng Association of Southeast Asian Nations, African Union, at League of Arab States, ang estratehikong partnership, at ibayo pang palalakasin ng Tsina ang pakikipagkooperasyon sa iba't ibang organisasyong panrehiyon.
Editor: Liu Kai
Pulido: Rhio Zablan