Lengguwahe ng Tagsibol: Inilabas ang theme song ng Chinese Language Day ng UN

2021-04-13 16:27:49  CMG
Share with:

Pormal na inilabas Martes, Abril 13, 2021 ang theme song ng Chinese Language Day ng United Nations (UN) at Chinese Language Video Festival ng China Media Group (CMG).
 

Ang nasabing theme song na pinamagatang “Lengguwahe ng Tagsibol” ay nagpapadala ng mensahe ng pagbibigayan at pag-asa, sa pamamagitan ng paglarawan ng sigla sa tagsibol. Magkasamang sinulat ito nina Belgian composer Jean-François Maljean, Chinese music producer Kelvin Ho at British musician Robert Murray.

Lengguwahe ng Tagsibol: Inilabas ang theme song ng Chinese Language Day ng UN_fororder_20210413tagsibol

Mula Marso 18 hanggang Abril 15, inaanyayahan ng Chinese Language Video Festival ang mga kasali na ilahad ang mga kuwento sa tagsibol, sa pamamagitan ng short video.
 

Sa kasalukuyan,  halos 260 short video mula sa 13 bansa na gaya ng Britanya, Pransya, Italya, Switherland, Swenden, Amerika, Hapon at Kenya ang sumali sa nasabing event.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Please select the login method