BRI, landas ng pagbabawas ng kahirapan at pagpapalaki ng kabuhayan - Xi Jinping

2021-04-20 16:20:24  CMG
Share with:

Sa kanyang video speech sa seremonya ng pagbubukas ng 2021 Boao Forum for Asia (BFA), Abril 20, 2021, sa lalawigang Hainan ng Tsina, binigyan-diin ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na sa pamamagitan ng “Belt and Road Initiative (BRI),” may pag-asang makahulagpos, hanggang taong 2030, mula sa matinding karalitaan ang mga 7.6 milyong populasyon sa daigdig at umahon mula sa katamtamang karalitaan ang mga 32 milyong iba pa.

BRI, landas ng pagbabawas ng kahirapan at pagpapalaki ng kabuhayan - Xi Jinping_fororder_boao02

Sinabi din niyang, batay sa bukas na diwa, nakahanda ang Tsina na magsikap, kasama ng iba’t ibang kinauukulang panig, para paunlarin ang BRI tungo sa landas ng pagbabawas ng kahirapan at pagpapalaki ng kabuhayan.

 

Ito aniya ay para makapagbigay ng ambag para sa magkakasamang kasaganaan ng buong sangkatauhan.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio

 

Please select the login method