“Debt trap” ng BRI, walang katotohanan

2021-04-22 15:27:46  CMG
Share with:

Magkasunod na ipinalabas kamakailan ni Joseph Veramu, Tagapayong Pampolisiya ng Pamahalaan ng Fiji at Iskolar ng Fiji National University, ang mga artikulo kung saan lubos niyang pinapurihan ang “Belt and Road” Initiative (BRI), at pinabulaanan ang alegasyon laban sa di-umano’y “debt trap” na dulot ng BRI at “geopolitical agenda” ng Tsina.

 

Dahil dito, natawag ang malawakang pansin ng iba’t-ibang sirkulo ng mga Pacific Island countries.

 

Kaugnay nito, ipinahayag nitong Miyerkules, Abril 21, 2021 ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina, na alinsunod sa katotohanan, ang BRI ay pampublikong produkto ng daigdig na katugma ng aktuwal na pangangailangan ng mga Pacific Island countries at matapat nila itong tinatanggap.

 

Hindi totoong may kalakip na “debt trap” ang BRI, diin ni Wang.


Salin: Lito
Pulido: Rhio

Please select the login method